Viral TikTok video ng isang guro, iimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon



Usap-usapan ang isang TikTok video ng isang guro na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens. Sa nasabing video ay makikita ang lalaking guro na tila nagpapa-cute.


Ito umano ang kanyang ginagawa tuwing dadaan ang kanyang cute na estudyante.


Bnsod nito, agad na tinawag ni Sec. Briones ang pansin ng DepEd Central Luzon upang magsiyasat.



“The Department of Education, as an institution trusted to protect the rights of every Filipino learner, does not tolerate any forms of abuse towards children,” ani Sec. Briones sa isang pahayag na inilabas nitong November 5.


Paalala ng Deped sa mga guro at pati na rin sa non-teaching personnel na laging panatilihin ang pagiging propesyonal ang kanilang pananalita at mga ginagawa maging sa social media.


Sa pahayag naman ng DepEd Schools Division of Pampanga patungkol sa viral Tiktok video, sinigurado nila na may ginagawa na silang hakbang para tanggalin ang video.



“We assure the public that our office exhausts all possible remedies to address this matter. We have already coordinated with the proper parties/authorities to take down the said video.


Nagpaalala din sila tungkol sa professionalism kahit sa paggamit ng social media.


Naka-private na ang nasabing TikTok account.