Cristy Fermin may banat kay Dawn Chang: ‘Wala kang mararating kung hindi ka nakikipag-landian sa mga boss’



May patutsada si Cristy Fermin kay Dawn Chang sa February 10 episode ng kanyang radio program/digital entertainment show na ‘Cristy Ferminute’ kasama si Romel Chika. 


Matatandaan na walang prenong ipinahayag ni dating Pinoy Big Brother housemate Dawn Chang ang kaniyang naramdaman nang suportahan ng dating main host ng reality show na si Toni Gonzaga ang kandidatura ng UniTeam, na pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.


Saad ni Dawn, “It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga.”




Isinawalat ni Cristy ang tungkol sa pagkakaroon ng trabaho ng dating PBB Housemate.


“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung bakit ka nagkakaroon ng trabaho?” tanong ni Cristy kay Dawn.


“Pabash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss!” pagdidiin pa niya.


“Naku ha. Dawn Chang. Tumigil ka nga Dawn Chang. Dawn Chang me. Charot.” pagbibiro pa ng veteran showbiz columnist.