El Shaddai leader Bro. Mike Velarde, inanunsyo na ang pag-endorso sa BBM-Sara tandem



Pormal nang inanunsyo ni Bro. Mike Velarde, ang lider ng religious group na El Shaddai ang pag-endorso niya kay presidential candidate Bongbong Marcos at ang ka-tandem nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Mayor Sara Duterte.


Nalaman ng Trending Bytes na dumalo ang dalawa kasama ang kanilang 'UniTeam' sa pagtitipon ng El Shaddai ngayong Pebrero 12.



Mabilis na kumalat ang mga larawan at video kung saan makikitang itinataas ni Bro. Mike ang kamay nina BBM at Mayor Sara.


"Ang inyong suporta sa aking kandidatura pagka-bise presidente ng Pilipinas ay isang malaking tulong sa aking pangarap at mga gustong isulong kapag ako ay nahalal, kasama ang ating presidential candidate, si Apo Bongbong Marcos," ayon kay Mayor Sara base sa ulat ng One News.



Matatandaan na noong 2016, nakuha rin ng noo'y tumatakbong bise presidente na si BBM ang suporta ng grupong pinamumunuan ni Velarde.


Narito ang maiksing video na kuha sa nasabing pagtitipon na naibahagi rin ng Daily Tribune: