Juliana Parizcova Segovia, trending dahil sa kanyang parody video



Naging usap-usapan ang video ni Juliana Parizcova Segovia na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap. Base sa nasabing video, tila parody video ito ng kontrobersiyal na video ni Angelica Panganiban mula sa Young Public Servants.


Sa video ni Angelica, nagbiga siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.'



“Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It’s not worth it! I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko. Ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga maƱliligaw.


Dagdag pa niya, dapat umanong alamin at tingnan ang character references.


Halughugin ang bi0data mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references. Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw," ani Angelica.


Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'




Wala mang binanggit na mga pangalan, naging dahilan ito ng muling pagbangayan ng mga supporters nina VP Leni Robredo at Bongbong Marcos.


Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.