Mayor Isko, naiyak sa pagtatapos ng speech niya sa inauguration ng Tondominium One



Hindi napigilang maging emosyonal ni Manila City Mayor Isko Moreno sa inauguration ng proyekto niyang Tondominium One na ginanap ngayong Pebrero 7.


Nalaman ng Trending Bytes na bago matapos ang kanyang mensahe sa mga Manilenyo, nanginginig na ang boses ng alkalde habang sinasabing mahal na mahal niya ang mga kababayan.



"Walang maiiwan. Kahit ano pang sabihin nila, ang importante sa akin, kayo... tao, mamamayan. 'Yun ang dahilan kung bakit ako pumasok sa pamahalaan."


"Magpasalamat kayo sa Diyos ha, huwag kay Isko. Ako tulay lang, importante nakatawid kayo. I love you, mag-ingat kayo, mahal na mahal ko kayong lahat."


Inalala rin ng alkalde ang kanyang karanasan bilang naghihikahos na residente ng Maynila noon.


Isa rin umano siya sa mga nangarap ng maayos na tirahan tulad ng mga residenteng mabibiyayaan ng unit sa Tondominium.



Kaya naman katuparan talaga ito sa marami na hindi naumano mangangamba sa tuwing may sakuna dahil sa maayos na masisilungan at "may elevator pa" aniya.


Ang kabuuan ng mga kaganapan sa nasabing inauguration ay naibahagi sa kanyang Facebook page na Isko Moreno Domagoso: