Ogie Diaz, natanong si Toni G kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Marcoleta sa ABS-CBN



Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz update ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa kontrobersyal na pagpapakilala ni Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta sa proclamation rally ng Uniteam na ginanap noong Pebrero 8.


Marami ang humingi ng pahayag o opinyon ni Ogie Diaz patungkol sa nasabing eksena.



Aniya, maaring nakalimot si Toni na si Marcoleta ang isa sa mga nagdiin na hindi na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.


"Siguro si Toni, bilang host siya e binabasa lang niya, may binabasa po siyang monitor kung paano niya ipakikilala ang susunod na magsasalita. E doon lang siya nakatuon,"


"Siguro din nakalimutan ni Toni yun palang si Marcoleta ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. So, nakalimutan siguro yan ni Toni,"


"Pero kung ito ay hindi nakalimutan ni Toni't pinaninindigan niya na talagang trabaho niya bilang host na ipakilala lahat ang magsasalita so be it," pahayag ni Ogie.




Kaya naman diretsahan niyang naitanong si Toni kung nakalimutan nga ba niya ang ginawa ni Marcoleta.


"Toni nakalimutan mo ba talaga or talagang alam mo 'yun at aware ka na si Marcoleta 'yun ini-introduce mo," pag-uusisa ni Ogie D.


Dagdag pa ni Ogie, kung malalagay siya sa ganoong kalagayan, hindi raw niya ipakikilala si Marcoleta at mainam na humiling siyang magkaroon ng co-host na siyang magpapakilala rito.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: