Yayamaning birthday candle ni Heart Evangelista, umani ng samu't-saring komento



Muling kinaaliwan ang mga komento sa isang Instagram post ni Heart Evangelista kung saan hawak niya ang kanyang yayamaning kandila. Ibinahagi niya ito sa kanyang paggunita ng kanyang birthmonth.


Hindi naman na bago sa mga netizens na makita si Heart na gumagamit at nagsusuot ng mga pabulosong mga kagamitan at kasuotan. Bilang isa sa mga hinahangaang fashion icon sa bansa, maraming mamahaling brands ang kumukuha sa kanya.



Dahil sa kanyang husay sa larangan ng sining, maraming mga kilalang tao ang tumangkilik sa kanya sa kanyang pagpipinta sa mga designer bags. Isa lamang si Heart sa mga kilalang personalidad na may koleksiyon ng mga luxury bags, shoes at iba pang mga kagamitan.


Nairot ang ilan sa mga nakaaliw na komento ng netizens:




"Sinampal na nmn ako ng kàhirapan.. pati kandila Chanel"


"Naku mas lalu mo kailangan hipan agad at maharlika ang candle , dahil pag di mo hinipan agad ubos agad si candle lol"


"Also my birthday month! who knows magka chanel candle din ako! Or bag! Charrrrr!!!! Advance Happy Birthday @iamhearte"


"Grabe pati kandila, nananampal ng katotohanan na mga hampaslupa tayo."


Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.