Kris Aquino, dumadaing ng sakit sa kanyang lower spine dahil sa kapayatan



Ayon kay Kris Aquino, masakit ang kanyang lowers spine dahil sa kanyang buto. Wala umano siyang fats para hindi tumama ang buto direkta sa kanyang balat.


Kinailangan niya umanong humanap ng komportableng pwesto upang hindi niya maramdaman ang matinding sakit.



"i won't lie to you, there's this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help "CUSHION" my bones... kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process & hit or miss para makahanap ng okay na pwesto pag hihiga at kung uupo."


Aniya, alam niyang malalagpasan niya rin ito kaya imbes na umangal ay nagpapasalamat siya sa Panginoon. Aniya, alam niyang pansamantala lamang ang kanyang dinaranas na sakit.




"i constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal."