Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'



Respeto ang nangingibabaw kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa kabila ng pagkakaiba nila ng sinusuportahang pangulo para sa darating na eleksyon sa Mayo.


Nalaman ng Trending Bytes na nagkakadebate minsan ang magkasintahan tungkol sa kani-kanilang presidente subalit hindi naman nauuwi sa pagtatalo.



Ayon sa Showbiz Update ni Ogie Diaz kung saan nakapanayam nila si Andrea, naikwento ng aktres ang sitwasyon nilang magkasintahan pagdating sa pananaw nila sa pulitika.


"Nirerespeto namin ang isa't isa. Nirerespeto niya ako. At hindi siya 'yung nanlalait. Walang ganun sa amin. Nagde-debate kami pero magiging okay din naman ang usapan namin. Kasi in the end, may respeto kami sa isa't isa," ayon mismo kay Andrea.


Naniniwala rin umano si Andrea na balang araw, makukumbinsi rin niya ang nobyo na sumuporta na umano sa 'Leni-Kiko tandem.'




"Ang sinasabi ko lang, 'in the future tatanggalin mo na 'yung "you" sasabihin mo rin 'I support Leni'"


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update: