Rob Moya, nag-propose kay Toni Fowler matapos ang gulo nila kamakailan



Muling naging usap-usapan ang muling pag-uusap nina Rob Moya at Toni Fowler. Ani Rob, gusto lamang niyang humingi ng dispensa kay Toni at nais lamang niyang magkaayos sila.



Para naman kay Toni ayaw na rin niya ng gulo at tila tinanggap na rin niya ang paghingi ng dispensa ni Rob. Gayunpaman, nang kausapin na siya ni Toni ay nagpaalam na ito kung pwede ba daw siyang manligaw uli kay Toni.


Alam naman daw niyang wala pang boyfriend si Toni kaya nagbabakasakali siyang maging maayos pa ang kanilang naudlot na relasyon.


Lumuhod pa ito at naglabas ng singsing ngunit bigla siyang iniwan ni Toni at inihagis ang singsing na dala ni Rob. Naiwang nakaluhod at tulala si Rob na tila nabigla sa ginawa ni Toni.




Pinagsabihan ng kanyang kasamahan si Rob dahil wala naman sa kanilang plano umano ang sinabi niya at ang pagbibigay nitong singsing. Sinayang umano nito ang kanyang pagkakataon na makipag-ayos kay Toni.