BBM, nagpahayag ng pasasalamat; lalo na ang 31M na botong natanggap



Muling nagpaabot ng pasasalamat ang presidential frontrunner na si Bongbong Marcos.

Nalaman ng Trending Bytes na sa kanya mismong YouTube channel, nagbigay mensahe ang nangungunang presidential candidate.


Sa naturang video, ibinahagi rin niya ang ilang campaign rally ng UniTeam mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinasalamatan din niya ang team sa kanilang headquarters na pinamamahalaan ng misis niyang si Louise.

Gayundin ang mga kilalang personalidad na nagbigay saya umano sa kanilang mga pagtitipon.

Nagpasalamat din siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sila at kanyang UniTeam ang sinuportahan.

Sinabihan din niya ng 'job well done' ang kanyang team sa ipinakita umano nitong pagkakaisa.

Aniya, hindi raw nila kayang tumbasan ang binigay sa kanilang suporta ngunit hindi naman daw nila bibiguin ang mga ito.



Pinasalamatan din niya ang kanya mismong pamilya lalo na si Sandro Marcos na bagamat may sariling kampanya ay nakapaglaan ng oras para siya ay samahan sa kanyang pangangampanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: