Catriona Gray, nag-lava walk sa Miting de Avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati



Napa-Lava walk si Catriona Gray sa entablado ng Miting de Avance ng Robredo-Pangilinan tandem sa Makati City ngayong Mayo 7, dalawang araw bago ang eleksyon sa May 9.



Nalaman ng Trending Bytes na isa si Catriona sa mga karagdagang personalidad na sumampa na rin sa entablado ng mga Kakampink para iparinig ang kanilang boses kung bakit nila sinusuportahan sa kandidatura sa pagka-pangulo ni VP Leni Robredo gayundin sa pagka-bise presidente.


Agad na nagpasalamat si Catriona sa pagkakataong ibinigay sa kanya at humarap sa 450,000 na mga dumalo sa pinakahuling pagtitipon para sa kampanya ng mga Kakampink.




Muling nagbigay ng makabuluhang mensahe ang Miss Universe 2018 bilang karagdagan sa kanyang mga naibahagi sa viral video niya bilang pag-anunsyo sa napili niyang pangulo na susuportahan.


Narito ang kabuuan ng mga kaganapan na naibahagi rin ng Philippine Sta: