Julia Barretto, pinayuhan si Joshua Garcia na huwag munang makipagrelasyon



Hindi pinagkaila ni Julia Barretto na bukas ang komunikasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Inamin niyang pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon dahil maari umanong magiging sagabal lang ito sa kanyang showbiz career.


"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend. Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.'



Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.


"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time."


Isa umano sa naa-appreciate niya kay Joshua ay nirerespeto nito ang boyfriend ni Julia na si Gerlad Anderson.


"I think one of the things I really appreciate about it is he respects Ge a lot, and that says a lot about Josh as well and how much he has grown and matured. He respects Ge, and that means a lot to me."




Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.