Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab at Skusta Clee



Sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos na maglabas ng bagong kanta si Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.


Ang tanging totoo lamang umano at hindi scripted sa kwento nila ay iyong nakunan si Zeinab kagaya ng kinuwento niya sa Toni Talks. Matatandaang sa nauna niyang video ay umalma si Zeinab at pinabulaanan ang kanyang mga pahayag.



"Di ako gaya ng ibang Youtuber diyan na gagawa ng content at iu-upload sa YT para lang pagkakitaan. Di importante pera sakin, alam kong kilala mo ko, ayun lang masyado kasing madaming tao na naniniwala sa opinion ng iba. God bless sa inyong lahat."


May mga sumang-ayon sa kanya ngunit marami din ang nagtanggol kay Zeinab at nagsabing sa pinagdadaanan nito ay tila malayong scripted ang isyu:


"Yung interview niya with Toni G. makikita mo na mabilis magbago mood niya iiyak tapos kwento siya nakatawa siya. Ganon po kapag my anxiety or depression ka lalo na nanganak pa siya so talagang parang sira ulo ka pero yun po ang realidad. Kaya sana huwag na gawan ng issue."




"In my opinion i think my mga taong naghihide ng depression and feelings nila hindi nila pinapakita sa socmed pero iba-iba ang tao and i think base sa post ni zeinab she has recovered from depression pero depression isnt a joke ah"