Bianca De Vera, hindi mapigilang maiyak habang nakasakay sa na-tow na sasakyan



Trending si Bianca De Vera sa social media matapos mag-viral ang kanyang TikTok video kung saan hindi nito napigilang maiyak habang nasa loob ng kanyang sasakyan na tino-tow. Gayunpaman, kinawindang ng netizens ang isa sa kanyang naging sentimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya.


Ayon sa “2 Good 2 Be True” cast, na-tow ang kanyang kotse dahil sa kanyang violation at pinakita pa nito ang dokumento na nagsasaad ng kanyang naging paglabag.



“Hi, guys! So currently, as you can see, umaandar ‘yung kotse ko kahit hindi ako nag-da-drive — kasi na-tow ‘yung kotse ko. Ayan, guys. Violation daw kasi parang mali ‘yung pinag-parking-an ko,” aniya.


Umani ng mga komento ang isa sa kanyang naging sintimyento na umabot sa puntong naging emosyonal siya. Hindi umano natapos ang kanyang pagpaparebond kaya hindi pantay ang kanyang buhok.


"Sa ‘kin lang, sana pinatapos nila ako ipa-rebond ‘yung buhok ko, ‘di ba? Hindi pantay ‘yung buhok ko, guys.Sabi ko kay kuya, ‘Kuya, puwede ba kahit five minutes lang, kailangan lang ipantay ni ate ‘yung buhok ko.’ Pero, guys, hindi siya pantay!”




Si Bianca De Vera ay isang Pinay actress at isa ding TikTok content creator. Taong 2021 nang mapasama si Bianca sa Star Magic at Rise Artists Studio. Kabilang siya sa mga cast ng seryeng "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.