Dating asawa ni Britney Spears, inaresto matapos manggulo sa araw ng kasal ni Britney



Sumugod ang ex-husband ni Britney Spears ilang oras bago ang kanyang kasal. Pinakita pa nito ang kanyang pagsugod sa property ni Britney sa pamamagitan ng isang live video.


Makikita ang dating asawa niya na hinanap si Britney at sinabi nito na inimbita siya ng kanyang dating asawa. Makikita din sa video ang pagpigil sa kanya ng ilang mga tao na naroroon.



Base sa kanyang live video, hindi pa nagsisimula ang kasal at wala pang masyadong tao na naroroon.


Ayon sa ulat ng Billboard.com, nagsampa ng restraining order ang kampo nina Britney laban sa dating asawa. Ayon sa abogado ni Britney, mayroong “Emergency Protective Order” na nilabas na effective sa loob ng "five to seven calendar days."


Kinumpirma nito na naaresto si Jason matapos ang kanyang ginawang pagpasok sa property ni Britney nang walang pahintulot.


Matatandaang kinasal sila ni Britney noong 2004 sa Las Vegas. Gayunpaman, agad din silang naghiwalay matapos ang 55 na oras.




Si Britney Jean Spears ay isang American singer at songwriter. Nakilala siya sa bansag na "Princess of Pop", matapos ang kanyang pagsikat noong 1990s at early 2000s. Kabilang sa kanyang mga hit singles ay Baby One More Time at Oops!... I Did It Again.