Raffy Tulfo, bumitiw na sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV



Binitawan na ni Sen. Raffy Tulfo ang pagtulong sa kaso ng sekyu na binundol ng SUV sa Mandaluyong. Tumatanggi na umano sa kanilang tulong ang SG kaya napagtanto nilang hindi na interesado na magpatulong sa kanila ang SG.


Ayon sa reporter ng RTIA, sinabi umano ng SG na confidential ang kanyang location kaya hindi na nakapunta ang reporter ng RTIA para magbigay ng tulong kahit walang camera.



Ayon kay Sen. Tulfo hindi nila pinagpipilitan kung ayaw na ng tulong ng complainant at madalas umanong nangyayari ang pagbitaw na magpatulong sa kanila.


Nirerespeto umano nila ang desisyon ng mga complainant. Malinaw na umano sa kanila na ayaw nang magpatulong ng complainant kaya bumitaw na sila.


Isa-isang pinasalamatan ni Sen. Tulfo ang mga taong tumulong at maging ang complainant at ang kanyang kapatid na lumapit sa programang RTIA.




Matatandaang nag-viral ang video ng isang security guard na binundol ng RAV-4 sa Mandaluyong habang nagmamando ng daloy ng trapiko. Umani ng matinding komento at reaksiyon mula sa publiko ang naturang insidente.