Wala nang makakapigil pa! Aira Lipata, nagpa tattoo ng pangalan ni Skusta Clee sa kanyang katawan



Jowa reveal na nga ba? Matapos ang matinding pagdedeny noon, tila handa nang aminin nang dalawang kontrobersyal na celebrity ang totoong namamagitan sa kanila.


Naging malaking usapin sa social media nitong mga nakaraan ang muling paghihiwalay ng OPM rapper na si Skusta Clee at vlogger na si Zeinab Harake.



May lumabas din na balita na 3rd party muli ang dahilan upang maging single mom si Zeinab.


Kasunod nito ang napabalitang sinugod ni Zeinab at grupo nito ang isang babae sa isang bar at umanoy pinagtulungan.


Dito lumabas ang pangalan ni Aira Lipata. Kahit na siya ang tinuturong dahilan, naging tikom naman ang bibig ni Aira.




Hanggang sa gulatin ni Skusta at Aira ang marami ng mag flex sila ng kanilang larawan together sa kani-kanilang IG story.


Mas lalong umong ang balita na totoo ang paratang sa kanila.


Hindi pa dito natapos ang lahat, muli ay naglabas si Aira ng panibagong resibo na magpapatunay na may malaking namamagitan sa kanila ni Skusta.


Ito ay matapos kumalat ang mga larawan nito na nagpatattoo ng pangalang Skusta Clee sa kanyang katawan.




Bukod pa dito, kasama sa naturang post ang dalawang larawan nila si Skusta na magkayakap at magkaakbay.


Marahil dahil dito, natuldukan na ang matagal na agam agam ng mga netizens. At tila pinatunayan na mismo nila kung ano ang totoong mayroon sila.