Ama na nag-tutor sa anak sa loob ng isang taon, naiyak nang bumagsak pa rin ito sa math



Viral ang video ng isang ama mula Zhengzhou, Henan sa China kung saan naiyak talaga ito nang malamang 6 out of 100 ang nakuha lang na score ng kanyang anak sa final exams nito sa mathematics.


Nalaman ng Trending Bytes hindi napigilan ng ama na maglabas ng saloobin sa video dahil araw-araw niyang tinuturuan ang anak sa math sa loob ng isang taon.



Sa ibinahaging video ng Qilu Evening News sa Weibo kitang-kita ang pagkadismaya ng ama dahil gabi-gabi niyang tinututukan ang anak at aminadong nagpupuyat sila para lang makapag-aral ng math.


Sinsabing nasa 40-50 points o 80-90 points ang nakukuhang score noon ng kanyang anak.


Malayo sa nakuha nitong marka na 6, kung kailan umano niya ito natutukan na ng husto sa aralin.


Dahil dito, komento ng ilang netizens na baka umano sa puyat at maaring pressure na rin na nararamdaman ng anak, kaya ito nakakuha ng mababang marka sa halip na makapasa.


Narito ang kabuuan ng video mula na ibinahagi rin ng Kabbage News: