Andrea Brillantes, isinilang na walang pang-amoy: "Wala po akong pang-amoy at all"



Inamin ni Andrea Brillantes sa panayam sa kanya ni Karen Davila na na-diagnose siya na may Congenital Anosmia. Ito ay ang kondisyon kung saan walang kakayahang makaamoy ang isang tao mula nang siya ay isilang.



Kwento ni Andrea, napagtanto nila ng kanyang pamilya na wala talaga siyang maamoy nang sinubukan umano siyang utotan ng kanyang ama at wala umano siyang naging reaksiyon dahil wala talaga siyang naamoy.


Sa kabila ng kanyang kondisyon ay mahilig umano siya sa pabango at sa tulong ng kanyang ate at ng kanyang boyfriend ay nagtatanong siya kaugnay sa mga iba't-ibang amoy ng mga pabango niya.




Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye.Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.