Annabelle Rama, inamin na naubos ang ipon niya noon sa gayuma at pagpapahula



Aminado si Annabelle Rama na nahilig umano siya noon sa mga gayuma at pagpapahula. Aniya, hindi ito totoo at naubos lang umano ang ipon niya dahil sa kanyang pagpapahula at pagpapagayuma kay Eddie Gutierrez.



Aniya, matapos ang sampung taon ay saka lamang na-inlove sa kanya ang mister kung kailan wala n siyang ginagamit na gayuma. Payo niya, dasal lang at pagpapakita ng totoong pagmamahal ang sekreto para mahalin ng isng tao.


Nagbigay siya ng babala dahila aniya ay maraming mapagsamantalang tao at sana ay huwag umano magalit sa kanya ang mga manghuhula dahil sadyang nadala lang siya sa kanyang pinagdaanan.




Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahy ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.