Bayani Agbayani, trending dahil sa dasal: "Huwag nyo po kaming hayaang maging hambog"



Sa dasal ni Bayani Agbayani sa pagtataos ng episode ngayong araw ng Tropang Lol, nagpasamalat siya sa "humility" at mapagmahal na puso. Hiling niya na huwag silang hahayaang umano'y maging hambog o mayabang.



Agad namang napansin ng mga netizens ang dasal na ito ni Bayani. Matatandaang ilang araw nang naging usap-usapan ang komedyante dahil sa kanyang mga naging pahayag sa kanilang show.


Matatandaang nagtrending siya kamakailan matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang pahayag sa programang Tropang Lol. Nabanggit niya ang kanyang pagbati sa staff at direktor ng kanilang show dahil umano hindi sila nag-oovertime.




Si Bayani Agbayani ay isang komedyante na nakilala sa Magandang Tanghali Bayan. Labis na sumikat ang kanyang awitin na "Otso-Otso" at "Atras-Abante" noong 2003. Bumalik siya sa kanyang orihinal na TV Station na GMA 7 matapos na mahigit 15 taon na mula lumipat sa ABS-CBN 2 noong 1996. Kilala si Bayani sa kanyang mga nakakatawang banat at jokes na talaga namang tumatatak sa kanyang manonood. Halimbawa na lang nito ay nang nasa I Can See You Voice pa ang komedyante.