Cristy Fermin, umaasang may pasabog umano si Kris sa showing ng 'Maid in Malacañang'



Inaabangan na nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang maaring maging pasabog umano ni Kris Aquino sa showing day ng pelikulang 'Maid in Malacañang'.


Nalaman ng Trending Bytes na ang naturang pelikula kasi ay nakasentro sa sinasabing nangyari sa pamilya Marcos bago sila makaalis sa bansa at umano'y mapatalsik noon sa palasyo.



Ayon kina Cristy, inaasahang magbibigay komento si Kris sa naturang pelikula lalo na at ito ay patungkol sa mga Marcos.


"At abangan naman natin ang "maid in something" ni Kris Aquino," ani Cristy.


"Tandaan po natin, histrionic disorder. Ito po 'yung mga taong sa anumang paraan, hindi sila papayag na madaig sila o makabog ng kahit sino," dagdag pa niya.


"Ay naku, siyempre hindi yan pakakabog, Kris Aquino kaya 'yan. August 3 may showing din siya," ani Romel Chika.




Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!: