Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig



Ayon kay Donnalyn Bartolome, napilitan siyang ilabas ang isang video na isang taon na rin niyang tinago. Kahit alam niyang makakatulong sa kanya ang video upang maintindihan ang kanyang panig, hindi niya iyon nilabas noon.



Ani Donnalyn, hindi niya ugali na magpaawa kaya hindi niya noon nilabas ang video. Gayunpaman matapos ang muling paglabas ng video ni Jose Hallorina, minabuti niyang ilabas ang video ng naging pag-uusap nila ng caregiver ng kanyang lola Josie kung saan sinasabi nito na mas gusto tlaga ng kanyang lola na umalis ng bahay para makahingi siya ng limos dahil malaki umano ang kinikita niya dito.




Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.