Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda



Emosyonal si Ella Cruz habang inilalahad niya ang kanyang saloobin. Base sa teaser ng video ng panayam sa kanya ni Boy Abunda, kabilang sa naitanong sa kanya ay kung nasaktan daw ba siya sa post ni Pokwang.



Nabanggit din sa teaser ang tungkol sa naranasang bullying ni Ella noong high school siya na umabot sa puntong sinaktan siya ng pisikal.


Makikita sa teaser na hindi napigilang maiyak ni Ella habang inilalahad ang kanyang saloobin at sa pagsagot ng mga katanungang ibinabato sa kanya.


Matatandaang umalma si Ella kamakailan sa pandadamay umano sa kanyang pamilya sa gitna ng pambabatikos na kanyang pinagdadaanan. Aniya, ayos lang sa kanya na i-bash siya ngunit huwag daw idadamay ang kanyang pamilya.




Si Ella Cruz ay isang artista, endorser, host, modelo at dancer. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang si Aryana noong taong 2012 sa Kapamilya network. Matatandaang naging usap-usapan ang social media posts ni Ella at boyfriend nitong si Julian Trono.