Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"



Sinabi ni Juliana Parizcova Segovia na wala naman umano siyang sinasabing maganda siya. Ito ay kasunod ng kanyang naunang post kung saan nabanggit niya ang salitang "Zerowena."



Sa kanyang Facebook post kung saan wala na siyang nabanggit na pangalan, sinabi daw niya ay pangit umano ang kanyang pinapatutsadahang tao at aniya kilala ng pangit ang pangit kaya dapat siyang paniwalaan.


"Wala naman akong sinabing maganda ako, sinabi ko lang pangit ka. Kilala ng pangit ang pangit, kaya maniwala ka."




Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.