Kelsey Furigay, naglabas na ng pahayag ukol sa malagim na sinapit ng ina



Ilang araw matapos ang malagim na krimen, naglabas na ng kanyang saloobin ang anak ni Ex- Lamitan Mayor Rose Furigay na si Kelsey Furigay.


Nalaman ng Trending Bytes na sa kabila ng pagdadalamhati ni Kelsey at ng kanyang pamilya, pinili na nitong magsalita lalo na at sunod-sunod pa umano ang mga pangyayaring pinaniniwalaan ng marami na may kaugnayan pa sa pagpaslang sa kanyang ina ng suspek na si Chao Tiao Yumol.


Sa naturang pahayag, naibahagi rin ni Kelsey ang mga huling sandali ng kanyang ina bago ito tuluyang malagutan ng hininga.



Nilinaw din niyang walang kinalaman ang kanyang pamilya sa pamamaril ng riding in tandem sa ama ni Chao Tiao na si Rolando Yumol sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Lamitan.


Katunayan, siya mismo ay naiyak nang malaman ang nangyari gayung isang buhay na naman ang nasayang.


Aniya, walang kaugnayan ang ama ng supek na si Yumol sa nangyari sa kanilang ina at agad pang pinaimbestigahan ng kanyang ama kung sinoman ang nasa likod ng pamamaslang kay Rolando.


Nakiusap din si Kelsey na sana'y bigyang katahimikan ang kanilang pagdadalamhati sa biglaang pagkamatay ng inang si Rose Furigay.


Ibinahagi rin ng The Philippine Star ang kabuuan ng Instagram post na ito ni Kelsey.


Narito ang panayam kay Kelsey na ibinahagi rin ni Reiniel Pawid