Liham ng suspek sa Ateneo shoot-out, sinabing hindi siya masamang tao



Isang liham ang naisapubliko na ngayon kung saan makikita ang isang liham ni Chao-Tiao Yumol, ang umano'y suspek ng Ateneo shoot-out kamakailan.


Nalaman ng Trending Bytes na sa naturang sulat, sinabi ni Yumol na hindi umano siya masamang tao.



"Mga Kababayan, hindi ako masamang tao, gusto ko lang gumamot ng tao pero sinagad ako," bungad ni Yumol sa kanyang liham.


Aniya, sinagad siya ng mapang-aping sistema ng batas at nagamit umano ang batas na cyberlibel.


Sa naturang liham din niya nabanggit ang umano'y ilang beses na pagtatangka sa buhay niya ng pamilya Furigay.



Samantala, ayon naman sa kampo ng mga Furigay, walang tigil ang umano'y pagkakalat ng malisyosong impormasyon ni Yumol ukol sa kanila.