Madam Kilay at Tiktoker na si Rosemar Tan, nagkasagutan sa social media



Nagkasagutan sina Madam Kilay at Rosmar Tan sa social media kaugnay sa kanilang naging akusasyon sa isa't-isa. Kaugnay ito sa kanilang akusasyon sa isa't-isa.


Naunang naglabas ng saloobin si Madam Kilay kaugnay sa umano'y panggagaya sa kanyang produkto.



"Gaya gaya ng packaging pati ba naman manuf pinagaya mo na lahat!! Bagay ngasayo pangalan ng product mo! Ang epek ng mga product ko kopyang kopya iisa manuf eh galing galingan moah! Dami mo na kaaway dahil manloloko ka wla kang FDA!"


Umalma din si Rosmar sa akusasyong gumaya umano siya mula sa ibang produkto.


"Ako daw gaya gaya sakanya? Bakit? Anong dapat gayahin sayo, di ko nga alam na may pr0duct ka, akala ko vl0gger ka."




Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.