Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto



Ibinida ni Pokwang ang kanyang mga food products kagaya ng laing, gourmet tuyo, gourmet tinapa, aligue garlic, aligue chili garlic sauce at marami pang iba. Marami ang nakapansin na nabago na ang packaging nito na dati ay kasama si Lee O'Brian.



Sa pinakita niya ay tanging siya na lamang ang naroroon sa packaging. Hindi na rin Poklee ang pangalan kundi Mamang Pokwang na ang nakalagay sa aniya'y bagong bihis ngunit mas pinasarap na produkto niya.


"And i’m baaaackkkk!!!! fighting and kicking para sa ekonomiya hahaaaa Paakk this is it!!! bagong bihis pero same at mas pinasarap…. #MamangPokwangsgourmet #espesyalsuk√Ę #laing #gourmettuyo #gourmettinapa #aliguegarlic #aliguechiligarlicsauc"




Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.