Pokwang, nasasaktan sa sinasabi laban kay Lee O'Brian: "Masipag po yung tao"



Nasasaktan umano si Pokwang sa paratang sa ama ng kanyang anak na si Lee O'Brian na umano ay palamunin lamang niya. Emosyonal na inilabas ni Pokwang ang kanayang saloobin sa panayam sa kanya ng GMA showbiz news reporter na si Nelson Canlas.



Mariin niyang pinabulaanan na pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at hindi din umano ito tamad kagaya sa mga lumabas na usap-usapan. Nasasaktan umano siya sa paratang na palamunin lamang ang ama ng kanyang anak gayong masipag umano ito at isang mabuting ama.


"Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao.”




Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.