Pokwang, pabirong sinabi na gustong ibalik sa dagat si ‘Aryana’



Ayon kay Pokwang, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito ngunit hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history. Nagbiro pa ito na nais niyang ibalik sa dagat si Aryana.



Matatandaang nagkasama sina Pokwang at Ella sa teleseryeng Aryana kung saan gumanap bilang ina ni Aryana si Pokwang.


"nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana"





Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.