Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures



Sa post ni Rosmar Tan, binahagi niya rin ang kanyang version ng "before and after" pictures bilang patunay sa pagiging epektibo ng kanyang binibentang produkto.


Sinagot niya rin ang mga akusasyong nagparetoke siya at iginiit na produkto lamang niya ang ginagamit niya kaya ganun ang resulta sa kanya.



"Napagkamalan pang nag paret0ke! My pleasureee ganda ba? Alagang Rosmar's pr0ducts lang yan."


Sa isa pa niyang post ay sinabi niyang marami umano ang gustong magpabagsak sa kanya. Gayunpaman, natawa na lamang siya.


"Imagine ang daming gusto akong pabagsakin? pero still Rosmar lang ang malakas"hahaha"




Ito ay sa gitna ng patutsadaha nila ng kapwa niya CEO at social media influencer na si Madam Kilay. Inalmahan ni Rosmar ang akusasyong ginaya umano niya ang produkto ni Madam Kilay. Inalmahan din ni Madam Kilay ang akusasyong may utang umano siya sa manufacturer.


Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.