Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures



Agad na nilinaw ni Zeinab Harake na wala pa siyang boyfriend matapos mag-viral ang video nila ng lalaking hindi na pinangalanan ng vlogger. Gayunpaman, pinakalma niya ang mga followers sa gitna ng mga kumakalat na sweet videos nila.



Biro pa ni Zeinab dapat ay kalmahan lang para maluto ang kanyang magandang love life. Karamihan naman sa kanyang mga followers ay masaya para kay Zeinab dahil mukhang unti-unti na itong nakakabangon sa pagkakalugmok.


Kung dati ay palagi siyang nakikitang malungkot, tila mas masaya na ito sa kanyang mga binabahaging posts sa social media.




Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.