Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"



Hanggang ngayon, pinili pa ring manahimik ni Andrea Torres sa dahilan ng hiwalayan nila noon ni Derek Ramsay.


Nalaman ng Trending Bytes na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga nang makapanayam niya ang aktres sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studios.



Aminado si Andrea na hindi rin madali para sa kanya ang hindi na lamang ito pag-usapan lalo na at may mga taong nai malaman kung ano nga ba ang nangyari.


"Pa'no ba 'to? Kasi 'yung iba nagagalit kasi 'di ako nagbibigay ng details. Hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash 'yung tao. Parang for me lang, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break. Kasi obviously, hindi maganda 'yung naging paghihiwalay namin. So para sa akin, okay na sa akin 'yung nakausap ko na 'yung mga taong involved," paliwanag ni Andrea.




Gayunpaman, dahil sa nangyari, mas lalo niyang minahal ang kanyang sarili at mas lalo rin siyang napalapit sa Diyos.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: