Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst



Nataranta umano si Whamos nang makitang umiiyak ang girlfriend niyang si Antonette Gail. Minabuti ni Whamos Cruz na dalhin na sa ospital ang girlfriend.


Sa video na binahagi ni Whamos, makikita si Antonette na nakahiga sa ER habang naghihintay ng kanilang doktor.



Aniya, nataranta umano siya kaya sinugod niya na ito sa emergency room. Bartholin cyst umano ang meron si Antonette. Humiling din ng dasal si Whamos para sa pag galing ng kanyang girlfriend.


Matapos siyang masuri at maresetahan ng gamot ay napauwi na rin sila ng kanilang doktor. Kasalukuyang nagdadalang-tao si Antonette kaya iniingatan nila ang kondisyon nito. Samatala, marami naman sa mga followers nila ang nagpaabot ng kanilang mensahe at dasal para sa mabilis na paggaling ni Antonette.




Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.