Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito



Sa 'Showbiz Update' channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tululong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.


Nalaman ng Trending Bytes na dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.



"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani Ogie kaya't kinailangang magbigay umano ng panibagong account detail sina Andrew kung saan maari pang ipadala ang mga tulong pinansyal para sa kanyang asawa.


Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.


Dasal niyang magkaroon pa siya ng malakas na pangangatawan upang kayanin ang lahat ng kanyang ginagawa dala ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya.


Sa kabila ng mga sinasabi ng ilan na tila pagod na ang misis nito, patuloy pa ring inilalaban ni Andrew ang paggaling ng asawa lalo na't nakikita niyang lumalaban din naman ito para sa kanyang buhay.