RR Enriquez, may pahabol mensahe sa ama ni Ruru Madrid; "Nagbigay lang po ako ng honest opinion"



Nagbigay pa ng karagdagang mensahe si RR Enriquez sa ama ni Ruru Madrid na si Bhong Madrid.


Nalaman ng Trending Bytes na isa ito sa mga natalakay sa pinakabagong video upload niya sa kanyang YouTube channel.



Ayon kay RR, nagbigay lamang umano siya ng honest opinion kaugnay sa umano'y 'walang label' na relasyon nina Ruru at kapwa GMA star nito na si Bianca Umali.


"To be honest, nagulat talaga ako na pinost niya ako sa account niya. Siguro ako as a sawsawera I don't mind kung may magba-bash sa'kin or may magko-correct sa'kin or kung may magpo-post sa'kin pero hindi ko lang inexpect kasi lalake siya," ang bungad na komento ni RR sa post ni Bhong Madrid.


"Hindi ko ine-expect na ang isang lalake papatol sa isang babae. Napaka-ungentleman. For me ah, ta's tatay pa. Kaya nag-post din ako ng mahaba," dagdag pa ni RR bago basahin ang sagot niya sa post na ito ng ama ng aktor.


"Mr. Bhong Madrid, I wanted to correct you lang po. Hindi po sa'kin galing 'yung chismis. Nakisawsaw lang po ako," ani RR gayung nabasa lang din umano niya sa ibang mga news sites ang natural isyu.




"I think, before niyo po ako binash mas una niyong binash 'yung mga nag-post po nun... Nagbigay lang po ako ng honest opinion."


Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR: