Smokey Manaloto, isa nang ganap na ama sa edad niyang 44



Ayon kay Smokey Manaloto, inakala niyang huli na para sa kanya na magkaroon ng anak. Sinasabihan din umano siyang wala na siyang pag-asa at huli na siya sa biyahe.



Sa isang post, naibahagi niya ang balita tungkol sa kanyang pagiging ama. Binahagi niya ang video kung saan makikita ang pregnancy journey ng partner niya mula noong Disyembre ng nakaraang taon nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis nito.


Makikita din sa video ang kanilang pagpunta sa ospital at pagkasilang ng anak niya nito lamang August 4, 2022. Hindinaman maitago sa kanyang mga picture ang kanyang kasiyahan na maging isang ganap na ama sa kanyang edad na 44 taong gulang.




Si Smokey Manaloto ay nakilala bilang isang mahusay na komedyante. Naging bahagi siya ng Kapamilya sitcom na Home Along Da Riles. Naging bahagi din siya ng iba pang pelikula kagaya ng Magic Kombat (1995), Ang Probinsyano (2015) and Super Mouse and the Roborats (1989). Kasalukuyang napapanuod siya bilang isa sa cast ng 2 Good 2 be True.