Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022



Napatanong si Vice Ganda kaugnay sa naiintrigang matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022. Makikita sa livestream video na bago pa tuluyang mabanggit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nanalo, isang staff ang umakyat at may ibinulong sa mga hosts.



Lalong tumindi ang tensiyon habang patuloy na naririnig ang suspense music sa background bago pa tuluyang banggitin ni Catriona ang nanalo.


Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice Ganda na sana ay walang nagkapalit ng korona.





Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host ,komedyante at negosyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na kabilang sa ilan sa mga pinakasikat niyang ppelikulang nagawa. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.