Whamos Cruz, pinalagan yung mga gumawa ng isyu kaugnay sa pinamigay nilang pagkain



Hindi pinalampas ni Whamos Cruz ang mapanira at malisyosong post ng ilang social media pages kaugnay sa pinamahagi nilang pagkain kamakailan sa araw ng pagtatapos ni Antonette. Nilinaw din niya na walang nagrereklamo sa paaralan ni Antonette kagaya ng mga pinapalabas sa mga post.



Aniya, siya mismo ang nakaisip nun dahil ang gusto niya ay mabigyan ang mga estudyante dahil wala umanong mabibilhan ng pagkain doon at natutuwa din siya para sa mga mag-aaral na nagtapos.


Aniya, aminado siyang hindi naman kamahalan ang kanilang pinamigay ngunit pinaghirapan at pinagpuyatan umano nila iyon. Nag-trending sa social media ang tunkol sa isyung ito kaya napagpasyahan nila na linawin na ang tungkol dito.




Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.