Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng kanyang mag-ina



Nagbahagi ng panibagong video si Andrew Schimmer kung saan makikita ang bunsong anak nila ni Jorhomy “Jho” Rovero na yumayakap sa mommy niya. Marami ang naantig sa naging reaksiyon ni Jho sa pagyakap ng anak sa kanya.


Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.




"For the first time she tried to hug back our son, even for a second..‍♂️Hearing the voice of Her baby bungso after few weeks, she missed Him so much, the reaction on Her face while she listens to His voice was priceless."


Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).