Brenda Mage, pinagawa ang bahay ng kanyang nakatatandang kapatid



Ayon kay Brenda Mage, dahil tapos na ang pinagawa niyang bahay niya at sa kanyang mama, sunod na ipapaayos niya ay ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki.



Pabiro din itong naningil sa mgy utang sa kanya para umano pangdagdag sa kanyang gagastusin sa pagpapaayos ng bahay.


"Blessed morning…. At dahil tapos na nga ang Bahay namin ni Mama… Dito naman tayo sa Bahay ng mga Kapatid ko.. This is my Ate’s House…. Next is my Brothers House naman… kaya sa mga may utang jan please naman pandagdag lang hihihi"




Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.