Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school



Kinabiliban si Buboy Villar sa pagiging hands-on nito sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak. Sa isang panibagong video ay binahagi niya ang kanyang paghatid kay Vlanz sa paaralan niya.



Makikita ang pangingilid ng luha ni Vlanz dahil natatakot ito na baka iwan umano siya ni Buboy. Para lumakas ang loob ng anak ay siniguro niyang naroon lang siya at naghihintay sa kanya.


Marami naman sa mga viewers ang natuwa kay Buboy sa pagiging hands-on nito sa mga anak:


"Naiiyak ako na makitang nililingon ka ni Vlanz, Bok. Natatakot siyang malayo ka na naman."


"Isa kang ulirang ama buboy nkaka hanga ka Sana tularan ka ng ibang kabataan na maagang nagasawa peru tinakbuhan responsibilidad bilang isang tatay.Godbless u more buboy"


"Happy ako dahil kasama mo ulit ang mga anak mo..grabe iyak mo nung hinatid mo c vlanz sa airportGodbless idol"




Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.