Cristy, nilarawang marespeto si Vhong bilang kasama sa industriya



Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa kontrobersyal na TV host/ actor na si Vhong Navarro.


Nalaman ng Trending Bytes na pinuri ng tatlo ang umano'y nakita nilang pagkatao at pag-uugali ni Vhong.


Nilinaw din nila na ang mga binigay umanong pahayag ay walang kinalaman sa pinagdaraanan ngayon ni Vhong na ngayo'y nasa kamay ng NBI dahil sa isinampang reklamo ng modelong si Deniece Cornejo.


Ayon kay Cristy, minsan niyang nakasama si Vhong sa isang show sa Canada. Doon nakita niya umano ang pagiging marespeto nito sa sinomang nakakasalamuha.


"Sa mga shows po namin, kapag kumukuha po siya ng babae sa audience, Pilipino o banyaga ang itatanong niya kapag ba kinuha ko ang kamay mo o inakbayan kita, may magagalit ba sa'kin sa audience? Marespeto!" ani Cristy.



"Ang inyo pong lingkod ay nakasama si Vhong Navarro ng mahigit na isang buwan. Matagal 'yun. .. Tuwing weekend ang aming show kaya may oras kamoing magkasam-sama para magbonding at lumabas para makapagkwentuhan ng todo. Sabi isang linggo lang ay makikilala mo na ang isang personality. Ito pong haba ng panahon na ito siguro po'y sobra na sa sapat ang nakilala ang isang Vhong Navarro," dagdag pa niya.


"Wala siyang kayabang-yabang sa katawan. Kahit po sumikat siya bilang isang dancer, kahit po sumikat siyang isang komedyante na nagbibida sa mga pelikula, ala e, wala kang makikitang kayabangan kay Vhong Navarro"


Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag: