Heart, sinabi ang tungkol sa plano niyang bumili ng tirahan sa Paris



Naibahagi ni Heart Evangelista na balak niyang bumili ng kanyang matitirhan sa Paris. Nabanggit niya ito sa panayam sa kanya ni Christine Bersola-Babao sa naganap na Art Exhibit niya.


Ani Heart, magastos din kapag dumadalo siya sa mga events sa Paris at kung minsan ay mismong sa sarili niyang bulsa ang pambayad. Kaya naman balak niya na lamang bumili ng sarili niyang matitirhan. Sa naturang panyam ay nabanggit niyang patuloy pa rin siya sa paghahanap.




Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week kung saan naging agaw-pansin ang kanyang fashion.


Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.