Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike



Masayang-masaya si Ion perez na nabili na niya ang aniya'y matagal niya nang pinangarap na bike, ang Tarmac SL7. Pinag-ipunan niya umano ito dahil dati ay walang araw na hindi niya tinitingnan ang bike na yun noon.



Nang makapag-ip[on ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon lalo at mahirap din umano hanapin ang naturang bike. Inunti-unti niya umano ang pagbili ng piyesa at nabuo niya na ang Tarmac SL7 kaya nagpatulong na siya sa pagbuo ng kanyang bike.


Nagbiro pa ito na mukhang ang bike umano ang makakatabi niyang matulog.




Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.