Julia Barretto, pumalag kay Matteo Guidicelli nang banggitin nito ang tungkol sa ghosting



Pinalagan ni Julia Barretto ang hirit ni Matteo kaugnay sa umano'y pinagmulan ng salitang "ghosting." Agad sumagot si Julia na ang unang beses niya umanong narinig ang salitang iyon ay nang may nagkwento sa kanya tungkol kay Matteo.



Sa kanyang pag-guest sa "Maritest" segment ng "Tropang Lol," hindi nakaligtas si Julia sa mga biro ni Matteo tungkol sa kanyang ex-boyfriend at sa kasalukuyan nitong boyfriend na si Gerald Anderson. Gayunpaman, ani Julia ay hindi na lang niya babanggitin kung sino ang ginawan ni Matteo ng pang go-"ghost" dahil aniya ay hahaba lang ang usapan.


Humingi din si Julia ng dispensa sa mga taong nababanggit nila sa naturang segment gayong wala na umanong kinalaman ang mga ito sa kanila.




Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.