Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone



Tuwang-tuwa si Kiray Celis sa natanggap na sorpresa mula sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Ginising siya nito para ibigay ang bagong iPhone 14 Pro Max mula kay Stephan at pati na rin sa mama at papa ni Kiray.


Sa comment section ay pinasalamatan ni Kiray ang mama at papa niya pati na rin ang kanyang boyfriend.


"Sulit pagod ko sa taping.. thank you, Mama, papa and jowa."


Aniya, naiyak siya sa natanggap na sorpressa.


"Sana ol ginigising NG May iPhone 14 pro max huhuhu iyak si ako talaga!"




Si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay isang aktres at komedyanteng unang sumikat sa showbiz matapos niyang manalo sa patimpalak na Muntíng Miss U sa dating noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".