Mona Alawi, tinanggihan ang magarbong debut; "Nanghihinayang lang kasi ako"



Noong Agosto 19, ipinagdiwang ni Mona Alawi ang kanyang ika-18 kaarawan. Subalit taliwas sa inaakala ng marami, walang magarbong selebrasyon ang naganap dahil na rin sa kagustuhan ni Mona.


Nalaman ng Trending Bytes na mas pinili ni Mona na simpleng selebrasyon lang ang gawin sa kanyang kaarawan kasama ng pamilya lamang.



Aniya, nanghihinayang siya sa pera magagastos sa bonggang party na handa naman sanang ibigay sa kanya ng kanyang ate Ivana.


"Nanghihinayang lang ako kasi you know, we could use the money to help other people and at the same time, I'm really really happy..." paliwanag ni Mona.


"I have nothing against big parties, it's nice pero ako kasi okay na ako sa tayo tayo lang kahit small party as long as we're together," dagdag pa niya.


Dahil dito, tinupad naman ng kanyang ate Ivana ang hiling ni Mona at nagtungo sila sa The Vineyard sa Batangas kasama ang kanilang buong pamilya.




Narito ang kabuuan ng video ng kanilang selebrasyon mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:


Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.